Safe conduct pass ng NDFP hindi na kikilalanin ng militar
Nakahanda na ang military na hulihin ang mga lider, consultants pati na rin ang mga staff ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ngayong officially terminated na ang peace talks sa rebeldeng grupo.
Ipinaliwanag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson BGen. Edgard Arevalo na wala nang bisa ang safe conduct pass na inisyu ng mga miyembro ng NDFP at Communist Party of the Philippines.
Ito ay makaraang sabihin ng pangulo na tapos na ititigil na ang pakikipag-usap sa rebeldeng grupo.
Noong Huwebes ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang makakapagbago sa kanyang desisyon na kausapin ang NDFP-CPP.
Ito ay dahil sa patuloy na paghahasik ng mga rebelde ng gulo lalo na sa mga lalawigan maliban pa sa kanilang pangongotong sa ilang mga negosyante at pulitiko.
Kung gusto umano ng mga rebelde na makipag-usap sa gobyerno ay gawin nito ito sa susunod na pangulo ng bansa.
Sinabi naman ng militar na nakahanda rin silang maglunsad ng mga pag-atake sa mga pinaniniwalaan kuta ng mga rebelde at ng kanilang mga tagasuporta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.