National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel idedeklara na bilang Minor Basilica

By Rhommel Balasbas March 23, 2019 - 06:18 AM

Patuloy na naghahanda ang National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa New Manila, Quezon City para sa deklarasyon nito bilang isang Minor Basilica sa Lunes, March 25.

Noong Disyembre, inanunsyo ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na inaprubahan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments sa Vatican ang pagiging Basilica Minore ng Mt. Carmel Shrine.

Sa panayam ng Veritas kay Fr. Joey Maborrang, OCD, sinabi nito na isang malaking biyaya ang pagkakahirang sa dambana bilang isang Minor Basilica.

Anya, sa pamamagitan ng pagiging Minor Basilica, ang dambana ay magiging daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos.

Makatatanggap ng plenary indulgence ang mga debotong bibisita sa bagong Minor Basilica.

Ang Mt. Carmel Shrine ang kauna-unahang Minor Basilica ng Diocese of Cubao.

Magaganap ang solemn declaration ng dambana bilang isang Minor Basilica ganap na alas-6:00 ng gabi.

Ang naturang araw ay kasabay ng Feast of Annunciation.


TAGS: Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, Diocese of Cubao, Minor Basilica, Minor Basilicas in the Philippines, National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel, new manila, Plenary Indulgence, quezon city, Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, Diocese of Cubao, Minor Basilica, Minor Basilicas in the Philippines, National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel, new manila, Plenary Indulgence, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.