Pag-angkat ng sibuyas, sususpendihin ng DA

By Len Montaño March 23, 2019 - 03:38 AM

Inutos ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagsuspinde sa importation ng Bulb Onions sa gitna ng imbestigasyon ng Philippine Competition Commission (PCC) at National Bureau of Investigation sa operasyon ng umanoy cartel na nagmamanipula ng presyo ng lokal na sibuyas.

Layon ng direktiba ni Piñol na maiwasan na makinabang ang cartel kung saan pinupwersa nila ang pagbagsak ng buying price ng lokal na sibuyas sa pamamagitan ng pagpapasara ng cold storage facilities na pinauupahan sa mga magsasaka.

Pinaiimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) sa PCC at NBI ang ulat na ipinasara ng trading companies ang apat na pangunahing cold storage facilities para mapwersa ang mga magsasaka na magbenta ng sibuyas sa bagsak presyo.

Dapat ay pinagsasama ng mga traders ang lokal na produksyon habang hinihintay na payagan silang makapag-import.

Dahil sa mababang halaga ng sibuyas, maaaring kontrolin ng mga traders ang presyo ng sibuyas sa mga palengke at kumita ng malaki.

Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng mga grupo ng mga magsasaka at importers, ang pag-aangkat ng sibuyas ay maaari lamang gawin matapos ang pag-ani ng lokal na sibuyas.

TAGS: Agriculture Secretary Manny Piñol, angkat, bagsak presyo, Bulb Onions, cartel, cold storage facilities, import, Importers, lokal na sibuyas, magsasaka, NBI, Philippine Competition Commission, sibuyas, sususpendihin, Agriculture Secretary Manny Piñol, angkat, bagsak presyo, Bulb Onions, cartel, cold storage facilities, import, Importers, lokal na sibuyas, magsasaka, NBI, Philippine Competition Commission, sibuyas, sususpendihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.