China pinasasagot ng UN Arbitral Tribunal sa isinampang kaso ng Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2015 - 08:51 AM

mischief_reef west phil seaMatapos hindi sumipot sa limang araw na pagdinig, inatasan ng UN Arbitral Tribunal ang China na magsumite ng kasagutan sa mga inilatag ng Pilipinas sa katatapos lamang na five-day hearing sa The Hague, Netherlands.

Hanggang sa January 1, 2016 lamang ang ibinigay na deadline ng mga hukom ng Permanent Court of Arbitration sa China para isumite ang kanilang ‘rebuttal’ sa mga inilatag na ebidensya ng Pilipinas.

Sa susunod na taon, inaasahang magpapasya na ang arbitral tribunal sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China.

Sa nagdaang mga pagdinig, ipinrisinta ng Pilipinas ang mga ebidensya at mga pag-aaral na magpapatunay na ang China ay lumalabag sa ginagawa nitong aktibidad sa South China Sea (West Philippine Sea).

Kabilang sa mga inilahad ng PIlipinas sa nagdaang mga pagdinig na labag sa UN Convention on the Law of the Sea ang pag-aangkin ng China sa sovereign rights jurisdiction at ‘historic rights’ sa South China Sea.

Iginiit din ng Pilipinas na dahil sa ginagawang aktibidad ng China, napipigilan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa karagatang sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

TAGS: West Philippine Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.