Filipino lightweight boxer Mercito “No Mercy” Gesta bigo sa laban sa Mexican fighter na si Juan Antonio Rodriguez
Bigo ang Filipino lightweight boxer na si Mercito “No Mercy” Gesta sa kanyang laban sa Mexican fighter na si Juan Antonio Rodriguez sa kanilang ten-round bout sa Hollywood California.
Napatumba ni Rodriguez si Gesta sa loob ng 9th round matapos magtamo ng sunod-sunod na tama laban sa mehikano sa laban na ginawa sa The Avalon Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga Manila Time.
Ito ang unang knockout loss na nakamit ni Gesta sa kanyang boxing career.
Dahil sa panalo, napa-buti naman ang record ni Rodriguez sa 30-wins at 7 losses kasama ang 26-knockouts.
Sa final statistics, umabot lamang sa 584 ang napakawalang suntok ni gesta habang nasa 840 naman si Rodriguez.
Gayunman, mas marami naman ang suntok ni Gesta na tumama sa kalaban na umabot ng 156 habang 155 lang si Rodriguez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.