Pilipinas kabilang sa pwedeng puntahan ng mga terrorist fighters matapos maaring matalo ang ISIS sa Syria

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 10:44 AM

Posibleng maapektuhan ang Pilipinas ng pagwawakas ng caliphate ng ISIS sa Syria.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay national security expert Prof. Rommel Banlaoi karamihan sa mga dayuhang terrorist fighters na nakipaglaban sa Syria ay nagsisibalikan na sa kanilang mga bansa.

Ito ay makaraang tuluyan na silang magapi at makubkob na ng mga otoridad ang kanilang kuta sa nasabing bansa.

Sinabi ni Banlaoi na maliban sa mga Pinoy fighters na nakipaglaban sa Syria ay maaring may mga dayuhang terorista din na ikunsiderang dito sa Pilipinas magpunta.

Ang Pilipinas kasi aniya ang ikinukunsidera ngayon ng mga foreign jihadist bilang kanilang “New Land of Jihad”.

Ito aniya ang dapat na paghandaan ng mga otoridad sa bansa.

Maari aniya kasing ang Pilipinas ang puntahan ng mga dayuhang terorista na hindi na makakabalik sa kani-kanilang bansa.

Ipinaliwanag ni Banlaoi na ang tingin ng ISIS sa Mindanao ay bahagi ito ng kanilang lalawigan.

Maliban sa Mindanao, kabilang din ang Malaysia at Indonesia sa nakikita ng ISIS fighters na kanilang destinasyon.

TAGS: foreign terrorists, ISIS, jihadists, Mindanao, Radyo Inquirer, Terrorism, foreign terrorists, ISIS, jihadists, Mindanao, Radyo Inquirer, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.