Ilang lalawigan nakararanas din ng water shortage ayon sa LWUA

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 09:11 AM

Ilang lalawigan ang nakararanas din ng kakulangan ng suplay sa tubig ayon sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

Sinabi ni LWUA administrator Jeci Lapus, limang lalawigan ang tinutugunan nila ngayon dahil sa nararanasang water supply shortage.

Partikular na tinukoy ni Lapus ang Sibugay, Zamboanga, Tuguegarao City, Kidapawan at Ilocos Norte.

Ayon kay Lapus, 87 percent ng water supply ay kinukuha ng LWUA sa deep wells.

Sinabi ni Lapus na dapat magkasundo ang mga ahensya ng gobyerno para makapaghanap ng solusyon at makapag-imbak ng sapat na tubig.

TAGS: LWUA, Radyo Inquirer, water crisis, water shortage, LWUA, Radyo Inquirer, water crisis, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.