Dance group mula Pilipinas otomatikong naka-abante sa grand finals ng AGT
Pinili ng mga judge ng Asia’s Got Talent ang Filipino Dance Group na “Junior Good Vibes”para otomatikong makaabante sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent (AGT).
Bumilib ang mga hurado sa anila ay ‘flawless’ na galaw ng grupo na mula sa Sampaloc, Maynila.
Ang judge na si Anggun, sinabing humahanga siya sa pinagmulan at naging paghihirap ng grupo bago tuluyang makapasok sa AGT hanggang sa makarating sa semi-finals.
Para makapasok sa grand finals ang bawat act ay dapat makakuha sila ng sapat na boto mula sa audience.
Pero mayroong kapangyarihan ang mga hurado na pumili ng nais nilang otomatikong makapasok sa grand finals.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang grupo na magwagi ng grand prize na $100,000 o mahigit P5 milyon.
Maliban sa Pinoy dance group, dalawa pang mula sa Pilipinas ang nakasali sa semi finals ng AGT.
Ito ay si Philippine Galit alyas Shadown Ace at si Eleana Gabunada, ang 10-tqaong gulang na singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.