4 patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas March 22, 2019 - 05:14 AM

Patay ang dalawang lalaking hinihinalang miyembro ng akyat bahay gang matapos manlaban sa mga pulis sa Sitio Veterans, Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon kay Batasan Police chief Police Supt. Joel Villanueva, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang guard ng subdivision kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

Kwento ng officer, may dalawang lalaki na nagtangkang pumasok sa isang bakanteng bahay sa subdivision.

Dahil dito agad na rumesponde ang mga pulis sa sumbong pero nagtangka nang tumakas ang mga suspek.

Hinabol sila ng mga pulis at nauwi ito sa palitan ng putok ng baril na ikinamatay ng dalawa.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga basyo ng bala at dalawang revolver.

Samantala, sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa Novaliches, patay din sa engkwentro ang riding in tandem na sangkot umano sa pagnanakaw ng motorsiklo.

Ayon sa QCPD Station 4, nasa tapat lamang ng isang gasolinahan ang biktimang si Ivan Manabat nang lapitan ng riding in tandem.

Pinilit ng mga ito na kunin ang motor ni Manabat.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng salaysay ng biktima at CCTV ng gasolinahan.

Nang makatunog na sinusundan sila ng mga pulis, nagpaputok ang mga suspek at nauwi ito sa engkwentro na kanilang ikinamatay.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang kalibre .38 na baril at motorsiklo.

TAGS: Bagong Silangan, Carnapper, Novaliches, Quezon City encounter, riding in tandem, Bagong Silangan, Carnapper, Novaliches, Quezon City encounter, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.