Pangulong Duterte magpapasya sa kapalaran ng MWSS bago ang April 15

By Rhommel Balasbas March 22, 2019 - 04:11 AM

Hindi magpapadalos-dalos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang desisyon kung sisibakin o hindi ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila.

Sa panayam ng media sa pangulo sa 122nd Founding Anniversary rites ng Philippine Army sa Taguig City, sinabi nito na hihintayin niya ang report ng MWSS sa April 10.

Sakaling matanggap na ang report ay magdedesisyon siya bago mag-April 15.

Gustong malaman ni Duterte kung ano ang nangyari sa isyu ng tubig at kung sino ang dapat na responsable rito.

Aalamin din kung may naging kapabayaan ang MWSS o ito ay bagay na hindi nila kontrolado.

Matatandaang noong Martes ay pinulong ng punong ehekutibo ang MWSS officials kung saan sinabon niya ang mga ito.

TAGS: Metro Manila water crisis, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Rodrigo Duterte, Metro Manila water crisis, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.