WATCH: Paghahain ng kaso vs Xi sa ICC, hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China – Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang paghahain ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa militarisasyon sa South China Sea.
Ayon sa pangulo, iginagalang niya ang pasya ng dalawa dahil entitled sila na maghain ng kaso kanino man.
Isang malaking tanong na lamang aniya kung may hurisdiksyon o kung magtatagumpay ang kaso laban kay Xi.
Dapat aniyang tandaan na hindi kasapi ng ICC ang China.
Una nang kumalas ang Pilipinas sa ICC habang may ginagawang imbestigasyon sa crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte dahil sa nauwi na umano sa extrajudicial killings at human rights abuses ang kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.