Grupong sangkot umano sa investment scam, kinasuhan ng PNP

By Jan Escosio December 01, 2015 - 04:14 AM

 

Inquirer file photo

Kasong walang piyansa ang isinampa laban sa pitong opisyal ng isang kumpanya na sangkot sa illegal investment scam.

Syndicated estafa ang kinahaharap ngayon nina Kevin Miranda, Ryan Manulit, Charles Padilla, Raahbel Ymas, John Calicdan, Jose Cajita at Paul Alviar na pawang mga opisyal ng Prosperous Infinite Philippines Holdings Corp.

Ayon kay PNP PIO Director Chief Supt. Wilben Mayor, kapag napatunayan guilty ang pito ay posibleng maharap ang mga ito sa habambuhay na pagkabilanggo.

Isinampa ang kaso laban sa pito base sa reklamo sa CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes unit ng dalawang pulis na sina PO3 Lenin Guinit at PO2 Josegelio Dayrit.

Base sa imbestigasyon lumalabas na daan-daang milyong piso ang natangay ng mga suspek mula sa mga namuhunan sa kanila.

Sinabi pa ni Mayor na ang modus ng mga suspek ay isinagawa nila sa pamamagitan ng Facebook.

At aniya, ang ibang biktima ay sa NBI nagreklamo at may hiwalay na kaso pa silang kinakaharap sa naturang ahensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.