Paglalayag ng mga volunteers tungong Kalayaan Islands, tuloy

By Jay Dones December 01, 2015 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Tuloy ang biyahe ng mga kabataang sumusuporta sa grupong “Kalayaan Atin Ito” ngayong Martes, patungong Kalayaan Group of Islands upang iprotesta ang panghihimasok ng China sa naturang lugar.

Ito’y sa kabila ng mariing pagkontra ng ilang mga opisyal ng militar sa hakbang na ito ng mga kabataan na pinamumunuan ni dating Marine Capt. Nicanor Faeldon.

Ayon kay Mariel Ipan, isa sa mga volunteers ng grupo, dapat sana ay kahapon, November 30, Bonifacio Day nila uumpisahan ang paglalakbay.

Ngunit naantala aniya ito dahil sa kanilang hinihintay pa ang pagdating ng kanilang mga kasamahan mula sa Visayas.

Una rito, hiniling ng Navy at ng Defense Department sa grupo na huwag nang ituloy ang plano dahil sa pangambang malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Paliwanag ng mga opisyal ng militar, masyadong delikado na maglakbay sa karagatan patungong Kalayaan Island Group dahil sa malalakas na alon.

Pero giit ng mga volunteers, itutuloy nila ang plano kahit hindi sila suportahan ng pamahalaan.

Wala anilang batas na nagbabawal na sila’y maglakbay tungo sa Kalayaan Island Group na sakop ng lalawigan ng Palawan.

Balak ng grupo na mag-arkila ng mga bangka upang makarating sa kanilang destinasyon.

Nabuo ang Kalayaan Atin Ito Movement upang kondenahin ang pagtatayo ng China ng mga artificial islands sa mga bahurang malapit sa Kalayaan Islands.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.