2 bagong laya arestado dahil sa droga sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 21, 2019 - 03:53 AM

Contributed photo

Timbog sa isinagawang simultaneous anti-criminality law enforcement operations ng pulisya ang dalawang lalaking bagong laya na namataang gumagamit at nagkakaabutan ng droga.

Arestado sa Sampaloc, Maynila sina Samuel Reyna, 59 anyos na tatlong buwan pa lamang na nakalalaya at Joel Olst, 37 anyos, nakalaya noong June 2018.

Naharap si Reyna dati sa kasong frustrated homicide habang si Olst naman ay naharap sa mga kasong frustrated murder at murder.

Ayon kay Police Sr. Insp. Edwin Fuggan, Lacson PCP Commander, sa video ng kanilang asset namataan na gumagamit ng iligal na droga si Reyna habang sa isang CCTV footage naman ay nakitang nagkaabutan ng droga ang dalawa.

Mga jeepney at tricycle drivers ang mga parokyano ni Reyna. Nakuha mula sa dalawang suspek ang tig-isang sachet ng shabu habang mayroon ding drug paraphernalia na nakuha mula kay Reyna.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: bagong laya, cctv, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, frustrated homicide, frustrated murder, Murder, SACLEO, shabu, bagong laya, cctv, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, frustrated homicide, frustrated murder, Murder, SACLEO, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.