Alkalde sa Misamis Oriental na dawit sa narco list nakaalis ng bansa

By Rhommel Balasbas March 21, 2019 - 02:21 AM

Municipality of Sinacaban FB photo

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis ng bansa ang isa mga lokal na opisyal na kasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas-8:00 ng gabi ng Martes nang lumipad pa-Singapore kasama ang kanyang pamilya si Sinacaban, Misamis Oriental Mayor Crisinciano Enot Mahilac.

Sumailalim sa regular immigration procedures ang alkalde at pinayagan namang umalis.

Paliwanag ni Immigration Spokesperson Dana Krizia Mengote Sandoval, wala namang derogatory record ang alkalde kaya pinayagan itong umalis ng bansa.

Bagaman naisampa na ang kaso laban sa mga pulitikong nasa narco list, hindi naman kasama ang naturang impormasyon sa record ng BI.

Samantala, may return flights pa-Maynila si Mahilac at kanyang pamilya matapos ang dalawang araw.

TAGS: Dana Krizia Mengote Sandoval, derogatory record, Mayor, Mayor Crisinciano Enot Mahilac, Misamis Oriental, nakaalis, narco list, Sinacaban, singapore, Dana Krizia Mengote Sandoval, derogatory record, Mayor, Mayor Crisinciano Enot Mahilac, Misamis Oriental, nakaalis, narco list, Sinacaban, singapore

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.