Publiko, hinikayat ng BFAR hinggil sa fisheries protection
Nanghinayang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkamatay ng isang balyena sa Compostela Valley.
Sa isinagawang necropsy ng BFAR, lumabas na ikinasawi ng Cuvier’s beaked whale ang nakaing samu’t saring basura.
Nasa halos apatnapung kilo ng iba’t ibang klase ng plastic ang natagpuan sa tiyan ng balyena.
Dahil dito, hinikayat ng BFAR ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na suportahan ang kanilang Malinis at Masaganang Karagatan program.
Layon nitong maiwasan ang pagkalat ng mga basura sa mga karagatan.
Sinabi pa ng ahensya na pag-iibayuhin nila ang aksyon sa mga insidente ng marine mammal stranding at protektahan ang mga karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.