MWSS: Laiban dam project malabong matuloy

By Chona Yu March 20, 2019 - 07:48 PM

Photo: Valleybikes

Tiniyak ng Manila Waterworks Sewerage System (MWSS) na Malabo nang maituloy ang laiban dam sa tanay rizal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni MWSS administrator Reynaldo Velasco na aabot kasi sa apat na libong pamilya ang maapektuhan kapag ituloy ang naturang proyekto.

Ayon kay Velasco, bahala na ang susunod na administrasyon na magpasya kung itutuloy o hindi ang Laiban dam project.

May kapalit naman aniya ang administrasyon sa Laiban dam project nba matagal na ring nasa plano.

Base sa pagkakalaam ni Velasco, magkakapirmahan na ngayon ng memorandum of understanding ang mga negosyanteng sina Enrique Razon at Ayala group para umpisahan ang Wawa dam project na inaaasahang magsusuplay ng tubig ng 500 million litro kada araw para sa Manila Water Co.

TAGS: ayala, BUsiness, duterte, laiban dam, mwss, razon, velasco, wawa dam, ayala, BUsiness, duterte, laiban dam, mwss, razon, velasco, wawa dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.