Malaking sunog sa QC umabot na sa general alarm

By Angellic Jordan, Jong Manlapaz March 20, 2019 - 03:17 PM

Photo: Jong Manlapaz

Sumiklab ang malaking sunog sa isang residential area sa Quezon City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Quezon City, nagsimula ang sunog sa bahagi ng Block 5 ng Barangay Damayang Lagi bandang ala una bente siyete ng hapon.

Itinaas na ang sunog sa General Alarm dakong alas dos kwarenta y singko ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.

Patuloy pa ring inaapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog sa lugar.

Inabisuhan din ang mga motorista sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng De Los Santos Medical Center sa E. Rodriguez Sr. Avenue.

Tiniyak naman ng Bureau of Fire Protection na may sapat na tubig ang kanilang mga fire trucks para apulain ang malaking sunog.

TAGS: BFP, damayang lagi, fire, general alarm, quezon city, BFP, damayang lagi, fire, general alarm, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.