Relief sa bill ng mga consumer tiniyak ng Manila Water
Siniguro ng pamunuan ng Manila Water na may matatanggap na relief sa kanilang bill sa tubig ang mga nakaapektuhanh consumer ng kawalan ng suplay ng tubig.
Sa pagdinig ng House committee on public accounts, sinabi ni Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz na binigyan na niya ng direktiba ang kanyang mga tauhan hinggil sa mga posible nilang gawin sa water bill ng kanilang mga consumers.
Una rito, ilang mambabatas ang nagrekomenda sa Manila Water na huwag nang singilin o bigyan nalang ng refund ang mga customers ng naturang kompanya dahil sa naranasang water interruptions bunsod ng krisis sa tubig.
Target namang maibalik ng Manila Water ang 99 percent coverage sa kanilang nasasakupan ngayong buwan ng Marso.
Gayunman, inaasahang sa katapusan pa ng buwan ng Mayo maibabalik sa normal ang suplay ng tubig sa kanilang nasasakupan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.