Dating mayor sa Dumingag, Zambaonga del Sur sugatan sa pananambang
Sugatan makaraang tambangan sa Bacolod, Lanao Del Norte ang isang dating mayor sa Zamboanga Del Sur.
Naganap ang pananambang alas 8:20 ng umaga ng Miyerkules, Mar. 20, sa national highway sa Esperanza, sa bayan ng Bacolod, Lanao Del Norte.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nasawi si Naciancino Pacalioga Jr., 57 anyos na dating mayor sa bayan ng Dumingag sa Zambaonga del Sur.
Patungo ng Cagayan de Oro Citiy ang biktima at huminto lang umano sa Barangay Esperanza nang siya ay tambangan .
Isinugod sa isang ospital sa Bacolod si Pacalioga at kalaunan ay inilipat sa ospital sa Iligan City.
Si Pacalioga ay nanilbihan bilang Mayor at Vice Mayor sa Dumingag.
Pinatawan sya ng dismissal ng Office of the Ombudsman bilang vice mayor noong 2017 dahil sa reklamong dishonesty at falcification of official document kaugnay sa kaniyang SALN bilang mayor para sa taong 2011, 2012 at 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.