Mga opisyal ng MWSS at Manila Water hinimok na magbitiw na sa puwesto

By Erwin Aguilon March 20, 2019 - 10:12 AM

Pinagbibitiw ni House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza sa puwesto ang mga opisyal na responsable sa pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

Partikular na hinihingi ni Atienza ang resignation nina Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Reynaldo Velasco at Manila Water CEO Ferdinand Dela Cruz.

Ayon sa kongresista, dapat itigil ng mga opisyal ang pagpapaliwanag gamit ang statistics dahil malinaw na palpak ang performance nila at hindi ito naiintindihan ng publiko maliban sa kawalan ng tumutulong tubig sa gripo.

Hindi rin aniya tama na nagkukulang sa suplay ng tubig ang bansa gayong mula sa 144 billion cubic meters ng tubig ay nasa 24 hanggang 25 billion cubic meters lang ang nagagamit.

Paliwanag pa ni Atienza, tila patagal nang patagal ang deadline na hinihiling ng water concessionaires para sa pagtatayo ng treatment plant dahil noong 2008 pa ay nangako silang tatapusin ang pasilidad sa loob ng anim na taon at ngayon nama’y sa taong 2037 na.

Samantala, tinawag naman niyang wallflower sa gobyerno ang MWSS matapos na hayaang i-hostage ng concessionaires ang serbisyo sa pagsasabing hindi sila magbibigay ng suplay ng tubig kung hindi palalawigin ang kanilang prangkisa.

TAGS: manila water, mwss, Radyo Inquirer, manila water, mwss, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.