Mayor Duterte, dapat maglatag ng plataporma sa taumbayan-Palasyo

By Alvin Barcelona December 01, 2015 - 12:46 AM

 

edwin_lacierdaMinaliit ng Malacañang ang pagbibida ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagdedeklara nito ng kandidatura sa pagka-pangulo sa 2016 sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na responsibilidad ng bawat kandidato na iprisinta ang kani-kanilang plataporma.

Aniya, dapat maghanap ang publiko ng higit pa mula sa mga kandidato maliban sa mga makukulay na ‘soundbytes’ o matatamis o matatapang na pananalita.

Aniya, ang dapat na sabihin ng mga presidentiables ay kung ano ang maiaalok ng mga ito sa sambayanang Pilipino.

Si Duterte ay nagpasya nang maghain ng kanyang kandidatura upang tumakbo bilang Pangulo sa 2016 elections.

Kahapon, opisyal nang inanunsyo ang tambalan nina Mayor Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.