Abu Sayyaf leader na nasa likod ng Sipadan kidnapping, napatay sa engkwentro sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 08:24 AM

Napatay sa engkwentro ang Abu Sayyaf leader na sangkot sa pagdukot sa 21 turista sa Sipadan, Borneo labingsiyam na taon na ang nakararaan.

Ayon kay Joint Task Force Sulu acting spokesperson Lt. Col. Ralf de Mesa na-recover ang katawan ni Angah Ajid, kasama ang isa pa matapos ang 10-minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at bandidong grupo.

Naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 2nd special forces battalion at limang Abu Sayyaf members sa Barangay Upper Binuang sa Talipao, Sulu.

Rumesponde sa lugar ang mga sundalo matapos isumbong ng mga residente ang mga armadong lalaki na nakita nila sa lugar.

Maliban sa dalawang nasawi, nakuha din sa lugar ang isang M14 rifle at isang M16 rifle at M203 grenade launcher.

TAGS: Abu Sayyaf Leader, encounter, Sipadan Hostage, Talipao Sulu, Abu Sayyaf Leader, encounter, Sipadan Hostage, Talipao Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.