Duterte at Misuari, muling nagpulong sa Malakanyang

By Len Montaño March 20, 2019 - 04:20 AM

Malacañang photo

Muling nagkita sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa Malakanyang.

Ito ang ikalawang pagkikita nina Duterte at Misuari sa loob ng wala pang 1 buwan.

Makikita sa larawan ng Malakanyang na present sa meeting ng dalawa sina Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Gayunman walang inilabas ang Palasyo na detalye ng pulong nina Duterte at Misuari na wala sa opisyal na schedule ng Pangulo na ibinigay sa media.

Ang pulong ay kasunod ng pagbabalik ni Musuari sa bansa matapos dumalo sa mga conference sa ibang bansa.

Una nang sinabi ng Pangulo na gumawa siya ng “arrangements” para makalabas ng bansa ni Misuari.

Noong February 20 ay naglabas ang Sandiganbayan Third Division ng resolusyon na pinayagan si Misuari na makabiyahe sa United Arab Emirated at Morocco.

Si Misuari ay nahaharap sa kasong graft at malversation case kaugnay ng umanoy maanomalyang pagbili ng mga textbooks noong siya ang gobernador ng ARMM.

May kasong rebelyon din si Misuari dahil naman sa Zamboanga siege.

TAGS: Malakanyang, mnlf, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Nur Misuari, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, pulong, Rodrigo Duterte, Malakanyang, mnlf, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Nur Misuari, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, pulong, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.