Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinatawan ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Malacañang ngayong gabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para magbigay ng report ang MWSS sa pangulo kaugnay sa naranasang krisis sa suplay sa tubig sa Metro Manila na nagsimula noon pang nakaraang linggo.
Base sa pagkakaalam ni Panelo, pawang mga taga MWSS ang makakapulong mamaya ng pangulo at hindi ang mga kinatawan ng Manila Water Company na nagsusuplay ng tubig sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Una rito, nagbigay ng direktiba si Duterte sa MWSS na atasan ang Manila Water Company at Maynilad Water Services na ayusin ang pagre-release ng tubig mula sa Angat Dam.
Nauna dito ay humarap na rin sa magkahiwalay na pagdinig ng Senado at Kamara ang mga opisyal ng MWSS, Maynilad at Manila Water.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.