Road Board binuwag na ng pangulo

By Chona Yu March 19, 2019 - 04:58 PM

Pinirmihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11239 o ang batas na bubuwag sa Road Board.

Sa ilalim ng batas, lahat ng pera na nakolekta ng Road Board sa mga motorista sa pamamagitan ng road user’s tax ay ibibigay sa National Treasury sa ilalim ng special account ng general fund.

Inaatasan ang Department of Budget and Management, Department of Public Works and Highways at ang Department of Transportation na ipatupad ang mga polisiya ng bagong batas.

Pinalilipat sa DPWH ang mga kwalipikadong empleyado ng Road Board na maapektubahn sa pagbuwag.

Makatatanggap namann ng separation pay ang mga empleyado ng Road Board na hindi qualified sa DPWH habang ang mga magreretiro naman ay makatatanggap ng kaukulang benepisyo,

Ayon sa Commission on Audit umabot sa mahigit P166 Billion ang nakolekta ng Road Board sa road user’s tax mula 2001 hanggang 2018.

Pinirmahan ng pangulo ang bagong batas noong March 8.

TAGS: duterte, ra 11239, road board, road user's tax, duterte, ra 11239, road board, road user's tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.