Tukoy na ng pamunuan ng MRT-3 ang dahilan ng pag-usok ng isang tren kahapon ng hapon.
Ayon kay DOTr Usec. Goddes Libiran, short circuit sa high voltage wire sa traction motor ang nakikitang dahilan ng mga technician ng MRT 3 sa pag-usok ng tren.
Sinabi ni Libiran, kinukumpuni na sa MRT-3 stabling area sa MRT-3 depot ang umusok na tren.
Iba rin aniya ang naging dahilan ng smoke incident noong nakaraang taon kung saan ito ay may kinalaman sa isang circuit breaker.
Siniguro ni Libiran na lahat ng tren na kanilang dine-deploy ay masusing ini-inspeksyon ng mga engineers at technicians bago sumalang sa mainline upang masiguro na ligtas itong sakyan ng mga pasahero.
Mayroon din aniyang sapat na fire extinguishers ang mga bagon ng MRT bukod pa sa may nakahanda silang mga protocol na sinusunod kapag may mga hindi inaasahang insidente.
Inaasahan po natin na darating na ang mga brand new traction motors sa susunod na dalawang buwan upang palitan ang ilang luma na. / Erwin Aguilon
Excerpt: Tukoy na ang dahilan ng pag-usok ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.