Court of Appeals nakapagtalaga na ng mahistrado na lulutas sa apela ni Senador Antonio Trillanes IV

By Ricky Brozas March 19, 2019 - 11:26 AM

 Nais ng Senador na magpalabas ng temporary restraining order o TRO ang appellate court upang mapigilan ang pagdinig ni Judge Elmo Alameda ng Makati City RTC Branch 150 sa kasong rebelyon na binuhay ng Department of Justice laban sa mambabatas.

Sa ginanap na raffle, naitalaga kay Court of Appeals Justice Apolinario Bruselas, Jr. ang pagresolba sa petition for certiorari na idinulog ng Senador.

Ayon kay Trillanes, umabuso sa tungkulin o nagkaroon ng grave abuse of discretion si Judge Alameda nang pumayag na buhayin ang kanyang kaso gayong naglabas na ng amnesty para sa kanya sa naturang kaso noong panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III.

May kinalaman ang kaso ng Senador sa naganap na Peninsula Siege noong 2007.

Kinukuwestiyon ni Trillanes ang Proclamation 572 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang-bisa sa nakuha niyang amnesty na nagpapawalang sala sa kanya sa kasong rebelyon.

TAGS: apela ni trillanes, court of appeals, Petition, trillanes, apela ni trillanes, court of appeals, Petition, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.