Implementasyon ng bagong pagpapatupad na maximum allowable gross vehicle weight ng mga truck, suspendido
Nagkasundo Department of Public works and highways at Department of Transportation na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng anti-overloading policy.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, sa Hunyo 30, 2019 pa ipapatupad ang nasabing polisiya.
Layun aniya nito na bigyan ng karampatang oras at panahon ang mga truckers o trailer owners na i-upgrade ang kanilang kagamitan para makasunod sa bagong maximum allowable gross vehicle weight na 41,500 kilos para sa mga code 12-2 at 42,000 naman para code 12-3.
Ang pagsunod aniya sa naturang polisiya ay makakatulong para makaiwas sa maagang pagkasira ng mga daanan na magreresulta naman sa mas kakaunting bilang ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.