2 tanod arestado sa pangingikil sa Quezon City

By Len Montaño March 19, 2019 - 05:39 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong mangikil ng pera mula sa kaanak ng naarestong suspek sa Quezon City.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel, target ng operation sina Ben Ripol at Rolando Ferrera na sinasabing mga tanod sa Barangay Commonwealth.

Alas 1:00 Martes ng umaga ng ikasa ang entrapment operation matapos magreklamo ang isang kaanak ng isa sa mga biktima.

Reklamo ng kaanak, alas 3:00 Lunes ng hapon nang damputin ng mga tanod ang biktimang si alyas Annie.

Humihingi umano ang mga suspek ng P50,000 kapalit ng kalayaan ng biktima kaya nagsumbong ang kaanak sa pulisya.

Sinalakay ng otoridad ang barangay hall matapos magpositibo ang entrapment operation.

Narekober sa lugar ang ilang kontrabando gaya ng baril, shabu, pera at patalim.

Nahaharap ang dalawang sa kasong robbery extortion habang hinahanap ang chairman ng Barangay Commonwealth.

TAGS: Brgy. Commonwealth, Chief Supt. Joselito Esquivel, kaanak, pangingikil, QCPD, robbery extortion, tanod, Brgy. Commonwealth, Chief Supt. Joselito Esquivel, kaanak, pangingikil, QCPD, robbery extortion, tanod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.