Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo epektibo na

By Rhommel Balasbas March 19, 2019 - 12:51 AM

Epektibo na ngayong araw ng Martes ang panibagong oil price hike.

Sa abiso ng Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Petron, PTT Philippines, Seaoil, Shell at Total, may P1.45 kada litro na dagdag sa gasolina habang P0.30 sa kada litro ng diesel.

Ang kerosene o gaas naman ng Caltex, Flying V, Petron, Seaoil at Shell ay may taas-presyo rin na P0.40 kada litro.

Una nang nagpatupad ng oil price hike ang Caltex simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi na susundan ng lahat ng kumpanya mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggong may taas-presyo sa mga produktong petrolyo lalo na sa gasolina.

Sa anim na linggong ito, P5.50 na ang iminahal ng gasolina.

Mula naman Enero 1 hanggang Marso 19, P8.35 na ang nadagdag sa presyo ng gasolina; P6.89 sa diesel at P4.57 sa gaas.

TAGS: dagdag presyo, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, oil price hike, P1.45 kada litro, produktong petrolyo, taas presyo, dagdag presyo, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, oil price hike, P1.45 kada litro, produktong petrolyo, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.