Manila Water at negosyanteng si Enrique Razon may joint venture para magtayo ng bagong dam
Magkakaroon ng joint venture agreement sa pagitan ng Manila Water at ng negosyanteng si Enrique Razon para magtayo ng bagong dam.
Ito ang sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco sa gitna ng nararanasang problema sa supply ng tubig partikular sa mga kostumer ng Manila Water.
Sa kanyang pagharap sa house hearing kaugnay ng water crisis, sinabi ni Velasco na ang itatayong dam ay may kayahan na magsuplay ng 500 million liters ng tubig sa bawat araw.
Hindi naman masabi ni Velasco kung saan itatayo ang dam pero bahagi ito ng “long term and short term solution” sa water crisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.