Hindi bababa sa 58 patay sa flashfloods sa Indonesia

By Rhommel Balasbas March 18, 2019 - 02:01 AM

Nasawi sa flash floods at pagguho ng lupa sanhi ng walang tigil na pag-ulan ang hindi bababa sa 58 katao sa Papua Province, Indonesia.

Ayon kay national disaster agency spokesperson Sutopo Purwo Nugroho, 51 katao ang patay sa bayan ng Sentani habang 74 ang sugatan.

Ang landslides naman sa kalapit na provincial capital na Jayapura ay kumitil ng pitong buhay.

Ayon kay Nugroho, ang death toll ay posibleng tumaas pa dahil maraming lugar ang hindi pa nararating ng mga awtoridad.

Umabot sa higit 40,000 katao ang kinailangang lumikas dahil sa nararanasang pag-ulan.

Ang Sentani ang pinakamalalang naapektuhan ng pag-ulan ayon sa local disaster mitigation agency.

Matapos ang landslides umaga ng Linggo ay nakaranas ng malawakang pagbaha ang naturang bayan na rumagasa sa mga residente, mga puno at iba pang debris.

Nagdeklara na ng dalawang linggong emergency ang Papua provincial administration para makakuha ng kinakailangang tulong sa central government.

TAGS: 58 killed, flashfloods and mudslides, indonesia, Jayapura, Papua Province, Sutopo Purwo Nugroho, 58 killed, flashfloods and mudslides, indonesia, Jayapura, Papua Province, Sutopo Purwo Nugroho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.