KRISIS AT SOBRA-SOBRANG MAHAL NA TUBIG sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo
Masakit man sabihin ang totoo, nagkaroon ng malaking pagkukulang ang Manila Water sa umiiral ngayong krisis sa buong East Zone. Sinabi ni MWSS chair Reynaldo Velasco na sa ngayon ay 1750 million liters for day ang kailangang suplay ng Manila Water pero, 1600 million liters a day lamang ang nakukuha nila sa Angat dam. At dahil tag-init ngayon, mabilis daw naubos ang tubig sa La Mesa Dam. Bukod dito, pumalpak ang Manila Water sa operasyon ng Cardona water Treatment plant na magbibigay sana ng 100 million liters per day noong Disyembre 2018.
Ayon kay Geodino Carpio, COO-Manila water operations, umaabot ng 200 million liters per day ang kulang na suplay mgayon. Iyong Cardona water treatment ay hindi natuloy dahil me problema raw iyong contract design. Bandang Marso, pangako nila, ay operational na ito pero 50 million liters a day lamang ang produksyon.
Nangako ang MWSS na sa loob ng 150 days (limang buwan hanggang Agosto) ay malulutas na raw ang problema sa suplay ng tubig. Pati Maynilad at Bulacan Bulk water ng San Miguel Corporation ay magbibigay din ng tig-50 million liters per day.
Kapansin-pansin na tanging Manila Water lamang ang nagkaroon ng krisis. Ang mas malaking Maynilad na kumukuha ng 2,400M para sa buong West Zone ay walang propblema kahit lumaki rin ang kanilang consumer demand.
Marami tuloy ang nag-iisip kung saan dinala ng Manila Water ang kanilang suplay ng tubig.
Una, bakit pinaabot ng Manila water ang kakulangan sa 200M liters per day (sabi ng MWSS 150M liters a day lang) gayong alam nilang imposibleng dagdagan ang kanilang quota mula sa Angat Dam dahil sa “infrastructure”?
Ikalawa, ang kanilang “expansion” ba sa buong lalawigan ng Rizal ay “kalkulado” kahit hindi natapos sa tamang oras ang Cardona Water treatment plan? Wala ba silang nagging fallback position?
Ang East Zone concession”ng Manila Water ay kasama anglalawigan ng Rizal na dapat ding serbisyuhan. Karamihan dito ay matataas na lugar kaya’t masalimuot ang delivery ng tubig. Pero hindi kaya nabigla ang Manila water sa suplay ng tubig sa Rizal?
Sa totoo lang, merong limang water districts ang Rizal tulad ng Morong, Teresa, Tanay, Plillilia at Jala-Jala na dati nang nagsusuplay ng tubig doon. Pero pumasok ang Manila water bilang “bulk water supplier” ng naturang mga bayan. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit lumaking bigla ang “demand” ng Manila Water? At ika nga, sa ingles, “they bit more than than they could chew” o sa atin ay nabubulunan. Pero, pera-pera talaga ang labanan.
Naalala ko tuloy yung sinasabi ng IBON foundation. Noong 1997 kung saan na-privatize ang MWSS at binuo ang dalawang “concessionaire” ni Presidente Fidel Ramos, ang presyo ng tubig ay P4.02/cu.m sa Manila Water at P7.21/cu.m sa Maynilad.
Makalipas ang dalawamput dalawang taon, at ngayong 1st quarter ng taong 2019, ang presyo ng tubig ng Manila water ay P39.34/cu.m samantalang ang presyo ng tubig sa Maynilad ay P48.37/cu.m.
Nagtataka tuloy ako ngayon sa mga presyong ito ng Maynilad at Manila water. Kamakailan lamang, nag-alok ang Bulacan bulk water ng San Miguel Corporation ng suplay ng tubig galing din sa Angat dam sa mga water districts sa Bulacan sa presyong P8.50/cu.m.
Dapat siguro imbestigahan ito ng Kongreso!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.