Bagyong papasok sa PAR, posibleng mag-landfall sa Mindanao bukas
Inaasahan ang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng isang tropical depression anumang oras ngayong Linggo ng umaga.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1,385 kilometers east ng Mindanao.
Taglay nito ang hangin na 45 kilometers per hour at bugsong 60 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Tatawagin itong Bagyong Chedeng oras na pumasok na sa PAR.
Ayon pa sa Pagasa, inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa Mindanao bukas araw ng Lunes.
Ngayong araw ay asahan ang maulap na panahon sa Mindanao na may isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.
Sa iba pang bahagi ng bansa, iiral ang mahina hanggang katamtamang hangin mula Northeast.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.