67 arestado sa anti-drugs operations sa Metro Manila
Umabot sa 67 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drugs operations sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa magdamag.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, 35 na operasyon kontra droga ang isinagawa simula alas 5:00 Biyernes ng umaga hanggang alas 5:00 Sabado ng umaga.
Pinakamaraming nahuli ang Southern Police District na nasa 28 na suspek, sunod ang Quezon City Police District na may 22, Northern Police District na may 11, Manila Police District na may 4 at Eastern Police District na may 2.
Bukod sa kampanya laban sa droga, tuloy ang paghuli sa mga lumalabag sa mga ordinansa.
Mula Hunyo 2018 hanggang March 16 ay halos 830,000 na ang nahuli sa paglabag sa mga city ordinance.
Una nang sinabi ni Eleazar na ang pagsita sa mga lumalabag sa ordinansa ay bahagi ng pinaigting na kampanya kontra kriminalidad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.