Asahan ng mga motorista ang isa na namang round ng taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Epektibo sa Martes March 19, magpapatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis.
Nasa P1.50 hanggang P1.60 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Sa diesel naman ay mula P0.25 hanggang P0.35 kada litro ang taas presyo
Habang sa kerosene ay asahan ang pagtaas na P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na may oil price hike.
Mula January 1 hanggang March 16, nasa P6.59 na ang itinaas sa presyo ng diesel, P5.99 sa gasolina at P4.17 sa kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.