PNP General Hospital apektado rin ng water shortage

By Len Montaño March 16, 2019 - 02:55 AM

Apektado na rin ng problema sa tubig ang Philippine National Police General Hospital kaya 50 percent na lang ng mga pasyente ang nakakagamit ng dialysis machines at emergency room.

Sa naturang ospital naka-confine o ginagamot ang mga aktibong pulis, non-uniformed personnel at mga retiradong pulis.

Ayon kay Chief Insp. Roane Vasco, tagapagsalita ng ospital, tumatanggap pa rin sila ng authorized civilians pero prayoridad nila ang mga nasa serbisyo.

Pero dahil sa limitadong supply ng tubig, napilitan ang ospital na bawasan ang tinatanggap na pasyente sa ER na hanggang tatlo na lamang mula sa anim.

Nabawasan din ng kalahating porsyento ang tinatanggap nilang nagpapa-dialysis.

Pero nilinaw ni Vasco na hindi sila nagtigil ng serbisyo kundi naglimita lamang ng pasyente at tinutulungan nila ang iba na makahanap ng pasilidad na makakatugon sa pasyente.

TAGS: 50 percent, dialysis, Emergency Room, limitado, pasyente, PNP General Hospital, water shortage, 50 percent, dialysis, Emergency Room, limitado, pasyente, PNP General Hospital, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.