Comelec: Pagkasama sa narco list, walang epekto sa kandidatura
Walang magiging epekto sa pagtakbo ng kandidato sa midterm elections sa Mayo ang pagkasama nito sa narco list.
Pahayag ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy narco politicians.
Ayon kay Jimenez, makakaapekto ang narco list sa desisyon ng botante pero sa kandidatura ay wala dahil ang narco list ay listahan ng mga suspek na sangkot sa droga.
Ang pwede lang anyang madiskwalipika sa pagtakbo ay iyong may pinal na conviction.
Dagdag ni Jimenez, ang pinal na diskwalipikasyon ay mangyayari lamang kung tapos na ang lahat ng proseso kahit umabot pa ito sa Korte Suprema.
Sa 46 na pulitiko na kasama sa narco list, walo rito ay kaalyado ni Pangulong Duterte sa PDP-Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.