P3.4M halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa Cebu City

By Mar Rose Cabrales March 15, 2019 - 07:09 PM

CDN Photo

Arestado ang isang drug courier sa isang convenience store sa Cebu City, Biyernes, March 15.

Nakilala ang suspek na si Jemmar Layaguin.

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa P3.4 milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Nakabalot ang mga droga sa carbon paper at mga condom, nakita rin ang ilang dahon ng laurel.

Itinanggi naman ng suspek na kanya ang mga nakumpiskang droga.

Ayon kay Acting Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Assistant Regional Director Thessa
Albaño-Tiuzen, ginamit ang dahon ng laurel para maitago ang amoy ng droga.

Ayon pa kay Tiuzen, maaaring miyembro ang suspek ng isang malaking drug syndicate na nagsusupplay ng droga sa Negros Oriental, kalapit probinsya ng Cebu.

Inaalam na ng anti-drug agency ang kinabibilangang grupo ng suspek gamit ang cellphone na nakumpiska sa kaniya.

TAGS: Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs, Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.