Rules ng CSC sa pagsusuot ng uniporme ng mga government worker posibleng suspindihin dahil sa water shortage
Pinag-aaralan ng Civil Service Commission na suspindihin ang rules sa pagpapasuot ng office uniforms sa mga ahensya ng gobyerno ngayong nararanasan ang water crisis sa Metro Manila at Rizal.
Sa pahayag ng CSC, nakasaad na nauunawaan nila ang sitwasyon ng mga empleyado ng gobyerno na apektado ng kakulangan ng suplay ng tubig.
Maari kasi umano na dahil sa kakapusan ng tubig ay hindi nakapaglalaba ng regular ang publiko.
Ayon sa CSC, ayaw naman nilang maging dahilan ito para hindi makapasok sa trabaho ang mga manggagawa ng gobyerno.
Sa ilalim ng CSC rules and regulations, mayroong sinusunod na dress code para sa mga government worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.