Orange alert itinaas sa Beijing dahil sa makapal na smog

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2015 - 08:08 AM

Beijing Smog
AFP Photo

Inilabas ang highest-level smog alert sa Beijing, China at pinayuhan ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa matinding air pollution.

Ang orange alert status sa capital ng China ay inisyu matapos umabot ang antas ng PM2.5 – particles ng labing limang beses na mas mataas kaysa sa recommended levels.

Ang PM2.5 – particles ay kayang makapasok sa baga ng tao.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na bawasan ang outdoor activities habang ang mga nakararanas na ng respiratory illnesses at ang mga matatanda ay pinayuhang manatili lamang sa loob ng tahanan.

Nabatid na umabot sa mahigit 390 micrograms per cubic metre ang PM2.5 levels sa Beijing.

Sa ilang bahagi ng Hebei province na nasa border ng Beijing, umabot sa mahigit 400 micrograms per cubic metre ang level nitong nagdaang weekend.

Ang pagtaas ng polusyon sa hangin ay pinaniniwalaang dahil sa patuloy na coal-burning.

Sa ilalim ng orange alert, ang ang mga industrial plants sa Beijing ay dapat magbawas ng production habang ang mga malalaking trucks ay bawal muna sa mga lansangan.

TAGS: highest-level smog alert, highest-level smog alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.