Mga Pinoy sa Christchurch, New Zealand pinag-iingat matapos ang mass shooting
Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas ang mga Filipino sa Christchurch, New Zealand matapos ang insidente ng mass shoting sa mosque doon.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Wellington, sinabi nitong patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa Christchurch.
Ayon kay Ambassador Jesus Gary Domingo, wala pa namang napaulat na Pinoy na nadamay sa pag-atake.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Domingo ang nasa 5,000 miyembro ng Filipino community sa Christchurch na manatili sa loob ng mga tahanan at iwasan muna ang lumabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.