Maraming bayan sa Maguindanao, apektado na rin ng tagtuyot

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 10:40 AM

Apektado na rin ng dry spell ang mga tanim na palay at mais sa Maguindanao.

Sa hiwalay na dato sna inilabas ng Maguindanao Provincial Agriculture Office, nasa P130 million na halaga ng panananim na palay at mais ang nasira na dahil sa El Niño.

Ayon kay Vic Giabel, Maguindanao agriculture officer, 29 sa 36 na bayan sa lalawigan ang apektado mula pa noong Enero.

Inaalam pa ngayon ng tanggapan ni Giable kung ilan ang eksaktong bilang ng mga magsasakang naapektuhan.

Pero sa kanilang pagtaya posibleng umabot na sa 8,500 na magsasaka ang apektado.

Kabilang sa mga pinaka-apektadong bayan ay ang Buldon, Barira, Matanog, Upi, Talayan, Datu Salibo, Salipada K. Pendatun, Datu Hoffer, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Paglat, Datu Paglas, at Pandag.

Inirekomenda na ni Giabel sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagsasagawa ng cloud seeding sa lalawigan para maibsan ang epekto ng tagtuyot.

TAGS: dry spell, El Niño, maguindanao, Radyo Inquirer, dry spell, El Niño, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.