Pichay suspendido ng 3 buwan dahil sa kasong graft

By Rhommel Balasbas March 15, 2019 - 03:07 AM

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang suspensyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay kaugnay ng isang chess event na kanyang pinondohan gamit ang pera ng gobyerno.

Nahaharap sa kasong graft si Pichay at hinatulan ng 90 araw na suspensyon.

Nagsilbi bilang chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA) si Pichay kung saan sinasabing iligal nitong inaprubahan ang P1.5 milyong pondo para sa isang chess event noong 2010.

Sa limang-pahinang resolusyon, kinontra ng anti-graft court ang apela ni Pichay na hindi dapat siya suspendihin dahil hindi na niya hawak ang posisyon na pinag-ugatan ng kasong graft.

Sa isang pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Pichay na inatasan na niya ang kanyang mga abogado na gawin ang lahat ng legal remedy para kontrahin ang resolusyon ng korte.

Umaasa si Pichay na sa huli ay mapapatunayang siya ay walang-sala.

TAGS: 90-day suspension, chess event, House Deputy Speaker Prospero Pichay, kasong graft, LWUA, sandiganbayan, 90-day suspension, chess event, House Deputy Speaker Prospero Pichay, kasong graft, LWUA, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.