Presyo ng timba, drum, at purified water pinababantayan ng DTI

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2019 - 11:53 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga ulat hinggil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin kasunod ng narranasang water shortage sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang DTI hinggil sa pagtaas ng presyo ng timba, drum, purified water at pagtaas ng bilihin maging sa mga karinderya dahil sa kapos na suplay ng tubig.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, walang hurisdiksyon ang ahensya sa mga nagbebenta ng water containers at sa mga nagnenegosyo ng water refilling stations.

Dahil dito, ang mga lokal na pamahalaan aniya ang nararapat na magbantay sa mga ito.

Tanging sakop ng DTI ay ang mga bottled mineral water na sa ngayon ay wala pa namang paggalaw sa presyo.

Sinabi ni Castelo, ang ‘profiteering’ ay may katapat na karampatang parusa na pagkakakulong at multa na aabot sa P5,000 hanggang P2 million.

Dahil sa kapos na suplay ng tubig nagkakaubusan na ng mga drum at ang iba naman ay ibibenta ng mataas ang presyo.

TAGS: drums, dti, pail, price, price monitoring, water crisis, water shortage, drums, dti, pail, price, price monitoring, water crisis, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.