Cloud-seeding operations sisimulan na ngayong araw – NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2019 - 11:09 AM

DA Photo

Magsisimula ngayong araw (Huwebes, Mar. 14) ang schedule ng pagsasagawa ng cloud-seeding operations.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations ay inirekomenda sa Regions II at XII sa pagitan ng March 14 at 21.

Sa datos ng NDRRMC, nakapagpalabas na ng P18.3 million na pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture para maisagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Air Force.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na may sapat na tubig ang publiko.

Noong Miyerkules pinulong ng NDRRMC ang ilang ahensya ng gobyerno para talakayin ang mga hakbang sa epekto ng El Niño.

TAGS: cloud seeding, DA, Department of Agriculture, El Niño, NDRRMC, cloud seeding, DA, Department of Agriculture, El Niño, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.