20 BIFF members patay sa ilang araw nang operasyon ng militar sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2019 - 09:52 AM

Umabot na sa 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa tatlong araw nang operasyon ng militar sa Maguindanao.

Sakop ng operasyon ang ilang lugar sa Mamasapano at Shariff Aguak.

Noong March 12, 2019, nagsagawa ng combat clearing operation ang mga tauhan ng 40th infantry battalion sa lugar kung saan nagpaulan sila ng air at artillery fires sa pinaniniwalaang kuta ng BIFF.

Sa nasabing petsa pa lamang umabot na sa 17 BIFF members ang nasawi na kinilalang sina:

Abdul Karim Kadil
Yusop Lakiman
alyas Paks/Pagal
alyas Bastardo
Musa alyas USA
Dungadong alyas Dong
Hamer Lakiman
Alladin Bagundong
Baser Abdula
Muhalidin Akob
Ansare Mukalir
Datokan Masala
Mutasir Manap
Kage Manap
Duang Ali
Mubarak Antoling
Yusop Kadir

May mga nakuha ding mga armas at anti-personnel mines sa pinangyarihan ng engkwentro.

Mayroon ding dalawa pang nasawing rebelde at ang kanilang katawan ay narecover sa Brgy. Inaladan sa Shariff Saydona.

Ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th infantry division ng Philippine Army, magpapatuloy pa ang pagtugis sa iba pang bandido.

TAGS: combat operations, maguindanao, Radyo Inquirer, combat operations, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.