Bar na may ‘live show’ at nag-aalok ng ‘extra service’ sinalakay ng mga otoridad sa QC, 13 babae ang nasagip
Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang bar sa Cubao, Quezon city dahil sa pagkakaroon ng ‘live show’ at pag-aalok ng ‘extra service’.
Nasagip sa nasabing bar ang nasa 13 mga babae kabilang ang isang menor de edad.
Tatlong lalaki naman ang inaresto kabilang ang isang barangay kagawad na siya umanong nagpasok sa isa sa mga biktima para magtrabaho sa bar.
Base sa surveillance video na hawak ng mga pulis, may nakuhanan na nagsasayaw ng hubad sa bar.
Maliban sa live show ay nag-aalok din umano ng extra service ang bar at mayroon itong VIP room.
Ayon sa menor de edadna biktima na galing pa ng Mindanao, nagtrabaho sya sa bar upang may maipadalang pera sa magulang.
Ang mga inaresto ay mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.