LLDA nag-alok na magdagdag ng suplay ng tubig mula Laguna de Bay
Nag-alok ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na magdagdag ng suplay ng tubig ang Laguna de Bay sa ilang parte ng Metro Manila.
Patuloy pa rin kasing nakararanas ng water shortage ang Silangang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay LLDA department manager Adelina Santos-Borja, nagpadala ng permit ang ahensya sa Maynilad para itaas sa 300 million liters per day ang ibinibigay na tubig mula sa dating 200 million liters.
Aniya, malaki ang potensiyal ng Lawa ng Laguna para maging domestic water supply.
Ngunit, sinabi nito na hindi agad magagamit ang raw water at kailangan pang dumaan sa treatment.
Maliban sa Laguna de Bay, maari rin aniyang sagot sa krisis sa tubig ang ilang kalapit na lawa tulad ng Pagsanjan at Majayjay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.